1 Jn 3:8, Lc 10:17-18, Heb 2:14
Ang kinatawan ng mga gawa ni Kristo ay ang gawain ng mga hari, saserdote, at mga propeta. Ang gawain ng pagsira sa mga gawa ni Satanas ay gawain ni Kristo na Hari.
Si Jesus ang Kristo na sumira sa mga gawa ni Satanas. (Mt 12:28, 1 Jn 3:8, Lucas 10:17-18, Heb 2:14)
Mt 12:28 Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, samakatuwid, ang kaharian ng Diyos ay dumating na sa inyo.
1 Jn 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
Lucas 10:17 Bumalik ang pitumpu na may kagalakan, nagsasabing, “Panginoon, kahit ang mga demonyo ay nagpasakop sa amin sa iyong pangalan.” 18 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat.
Heb 2:14 Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo.