Pahayag 7:13-14, Isa 1:18
Inutusan ng Diyos ang mga Israelita na pabanalin ang kanilang mga katawan at hugasan ang kanilang mga damit. (Exo 19:10)
Exo 19:10 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo ang mga tao. Ngayon at bukas kailangan mong ihandog sila sa akin at hugasan nila ang kanilang mga damit.
Sa Lumang Tipan ay ipinropesiya na lilinisin tayo ng Diyos mula sa ating mga kasalanan. ( Isa 1:18 )
Isa 1:18 “Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
Bilang Kordero ng Diyos, ibinuhos ni Hesus ang Kanyang dugo upang tayo ay linisin. (Pahayag 7:13-14)
Pahayag 7:13 Pagkatapos isa sa mga matatanda ay nagtanong sa akin: “Sino ang mga ito, nadaramitan ng puting mga kasuotan, at saan sila nagmula?” 14 Sinabi ko sa kaniya, “Alam po ninyo, ginoo,” at sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero.”