Heb 8:5, Jn 2:20-21, Pahayag 21:22

Inutusan ng Diyos si Moises na itayo ang tabernakulo. ( Exo 25:8-9 )

Exo 25:8 Hayaan silang gumawa ng isang santuwaryo para manirahan ako sa gitna nila. 9 Dapat ninyong gawin ito ng ganap habang ipinapakita ko sa iyo ang mga plano para sa tabernakulo at sa lahat nitong kagamitan.

Nakita ni Moises ang templo sa langit at itinayo niya ang tabernakulo. (Hebreo 8:5)

Hebreo 8:5 Naglilingkod sila sa isang bagay na huwaran at anino ng mga bagay na makalangit, kagaya na lamang ng babala ng Diyos kay Moises noong itatayo na niya ang tabernakulo, “Tingnan mo,” sinabi ng Diyos, na gagawin mo ang lahat ayon sa batayan na ipinakita sa iyo doon sa bundok.”

Si Jesus ang tunay na templo. (Juan 2:20-21, Pahayag 21:22)

Juan 2:20 At sinabi ng mga may katungkulang Judio, “Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?” 21 Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

Pahayag 21:22 Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.