(1) Si Kristo ang simula ng ating buhay, ang ating kasalukuyang buhay, at ang ating buhay na walang hanggan.
(Gen 1:26-27, 2 Cor 4:4, Col 3:4, 1 Jn 5:12)
Gen 1:26 Sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo. 27 Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila.
2 Cor 4:4 Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos.
Col 3:4 Kapag nagpakita si Cristo na siya ninyong buhay, makikita rin kayong kasama niya sa kaluwalhatian.
1 Jn 5:12 Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay. Siya na hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos ay walang buhay.
(2)Pagkatapos ng kasalanan ni Adan (Gen 3:6), lahat ng tao ay may mga pangunahing problema. Kasalanan (Rom 3:23, Rom 6:23), kontrol ni Satanas (Jn 8:44), Pagkahiwalay sa Diyos (Isa 59:2)!
Gen 3:6 At nang nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao, kumuha siya ng bunga nito at kinain ito. At binigyan niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain niya ito.
Rom 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Rom 6:23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
Jn 8:44 ayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
(3) Upang malutas ang mga problemang ito kailangan natin si Kristo! ( Gen 3:15 )
Gen 3:15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
1) Ang tunay na Hari na sinira ang ulo ni Satanas (1 Jn 3:8)
1 Jn 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
2) Ang tunay na Pari na namatay para sa ating mga kasalanan (Mc 10:45)
Mc 10:45 Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran, ngunit upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang katubusan ng lahat.”
3) Ang tunay na Propeta na siyang daan upang makilala ang Diyos (Jn 14:6)
Jn 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Ginawa ni Jesus ang gawain ni Kristo sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. (Jn 19:30)
Jn 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.
(4) Kung tayo ay tunay na naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo, tayo ay nagiging mga anak ng Diyos at tayo ay pinalaya mula sa pangunahing mga problema ng tao. (1 Jn 5:1, Jn 1:12, Rom 8:2)
1 Jn 5:1 Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak.
Jn 1:12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
Rom 8:2 Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan.