Ang pamilya ni Jesus ay mga taong naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo.
Jn 6:29, 1 Jn 3:23, Jn 3:16, 1 Jn 5:1, Rom 8:29
Sinabi ni Hesus na ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos ay ang pamilya ni Hesus. (Mt 12:46-50)
Mt 12:46 Habang nagsasalita pa si Jesus sa napakaraming tao, masdan ito, ang kaniyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, hinahanap siya upang kausapin. 47 May nagsabi sa kaniya, “Tingnan mo, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, hinahanap ka upang makausap.” 48 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Sino ang aking ina? At sino ang aking mga kapatid?” 49 Pagkatapos iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Tingnan ninyo, nandito ang aking ina at ang aking mga kapatid! 50 Sapagkat ang sinumang gumagawa sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit, ang taong iyon ay aking kapatid at ina.”
Ang kalooban ng Diyos ay maniwala sa Isa na isinugo ng Diyos, si Kristo. (Jn 6:29, 1 Jn 3:23, Jn 3:16)
Jn 6:29 Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
1 Jn 3:23 At ito ang kanyang kautusan - na tayo ay dapat maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang bawat isa - gaya ng ibinigay niyang kautusan sa atin.
Jn 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Kung tayo ay naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, tayo ay magiging mga anak ng Diyos. At si Hesus ang ating panganay na kapatid. ( 1 Jn 5:1, Rom 8:29 )
1 Jn 5:1 Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak.
Rom 8:29 Dahil ang mga kilala na niya noong una pa man, ay itinalaga din niya na matulad sa imahe ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.