Mc 9:5-8, Mt 17:4-8, Lc 9:33-36, Mc 13:26, Jn 1:14, Jn 12:23, Jn 12:39-41, Jn 13:32

Sa Lumang Tipan, ang tabernakulo ay napuno ng kaluwalhatian ng Diyos. ( Exo 40:34-35 )

Exo 40:34 Pagkatapos binalot ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo. 35 Hindi makapasok si Moises sa tolda ng pagpupulong dahil ang ulap ay palaging naroon, at dahil pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.

Sa Lumang Tipan, inihula at ipinropesiya ni Isaias ang kaluwalhatian ni Kristo. (Juan 12:39-41)

Juan 12:39 Sa kadahilanang ito hindi sila sumasampalataya, sapagkat sinabi rin ni Isaias, 40 “Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila. 41 Sinabi ang mga bagay na ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagsalita siya ng tungkol sa kaniya.

Ngayon ang kaluwalhatian ng Diyos ay dumarating lamang kay Kristo Hesus. (Marcos 9:5-8, Mateo 17:4-8, Lucas 9:34-37)

Marcos 9:5 Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto kaya hayaan mo kaming gumawa ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” 6 (Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.) 7 Isang ulap ang dumating at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang boses ang nagmula sa ulap, “Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya.” 8 Biglang, nang sila ay lumingon sa paligid, wala silang ibang nakitang kasama nila kundi si Jesus lamang.

Mateo 17:4 Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, mabuti na kami ay narito. Kung nais ninyo, gagawa ako dito ng tatlong pagsisilungan—isa para sa inyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 5 Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya.” 6 Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot. 7 Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, “Tumayo kayo at huwag kayong matakot.” 8 At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.

Lucas 9:34 Pagkatapos, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may ulap na dumating at nililiman sila; at sila ay natakot habang sila ay napapalibutan ng ulap. 35 Isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang aking Anak na pinili. Makinig kayo sa kaniya.” 36 Nang matapos ang tinig, mag-isa na si Jesus. Sila ay tumahimik, at sa mga araw na iyon ay wala silang pinagsabihan sa mga bagay na kanilang nakita. 37 At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao.

Si Hesus ang kaluwalhatian ng Diyos. (Juan 1:14)

Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

Niluwalhati ni Hesus ang Diyos at tumanggap ng kaluwalhatian mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. (Juan 12:23, Juan 13:31-32)

Juan 12:23 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.

Juan 13:31 Nang si Judas ay umalis na, sinabi niJesus, “Ngayon ang Anak ng Tao ay naluwalhati. 32 At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Luluwalhatiin siya ng Diyos sa kaniyang sarili, at agad siyang luluwalhatiin niya.

Si Jesus, ang Kristo, ay muling darating na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. ( Marcos 13:26 )

Marcos 13:26 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap taglay ang dakila nitong kapangyarihan at kaluwalhatian.