Heb 1:1-2, Jn 1:14, Jn 1:18, 14:9, Mt 11:27, Gawa 3:20, 22, 1 Pt 1:20

Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay nakipag-usap sa mga tao ng Israel sa pamamagitan ni Moises at ng mga propeta. (Lev 1:1)

Lev 1:1 Tinawag ni Yahweh si Moises at kinausap siya mula sa tolda ng pagpupulong, sinasabing,

Ngayon ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Anak ng Diyos. ( Heb 1:1-2 )

Heb 1:1 Noon unang panahon, nakipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta ng maraming beses at sa iba't-ibang paraan. 2 Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo.

Si Jesus ang Salita ng Diyos na dumating sa anyo ng laman. (Juan 1:14)

Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

Inihayag ni Jesus ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang sarili. (Juan 1:18, Juan 14:9, Mateo 11:27)

Juan 1:18 Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.

Juan 14:9 Ang sabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, hindi ba matagal na akong kasama ninyo, at hindi mo pa rin ako nakikilala? Kung sinuman ang nakakita sa akin, nakakita sa Ama; paano mo nasasabi, 'Ipakita sa amin ang Ama'?

Mateo 11:27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.

Si Jesus ang Kristo, ang propetang tulad ni Moises na ipinangako ng Diyos na ipapadala. ( Gawa 3:20, 22 )

Gawa 3:20 at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo.
22 Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo.

Si Jesus ay ipinakilala na bago pa itatag ang mundo, at nagpakita para sa atin sa mga huling araw na ito. ( 1 Pedro 1:20 )

1 Pedro 1:20 Pinili si Cristo bago pa ang pagkalikha ng mundo, pero ngayon, sa mga huling panahon, naihayag siya sa inyo.