Col 1:21-22, 2 Cor 5:17, Gal 5:24, Jn 17:17, Acts 26:18, Rom 15:16, 1 Cor 6:11, Heb 2:11, Heb 10:10

Sa Lumang Tipan, sinabi ng banal na Diyos sa mga Israelita na maging banal. (Lev 11:45)

Lev 11:45 Dahil ako si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, para maging inyong Diyos. Samakatuwid dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.

Pinabanal tayo ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus para sa atin. (Col 1:21-22, 2 Corinto 5:17, Gal 5:24, Juan 17:17)

Col 1:21 At kayo rin, sa isang pagkakataon ay mga taong hindi kilala ng Diyos, at mga kaaway niya sa kaisipan at masasamang mga gawa. 22 Ngunit pinagkasundo niya kayo ngayon sa kaniyang lupang katawan sa pamamagitan ng kamatayan. Ginawa niya ito upang iharap kayong banal, walang kapintasan at walang dungis sa kaniyang harapan,

2 Corinto 5:17 Sapagkat kung sinuman ang kay Cristo, siya ay isang bagong nilalang. Ang luma ay lumipas na. Tingnan, sila ay naging bago na.

Gal 5:24 Sila na nakay Cristo Jesus ay ipinako ang laman na kasama ang silakbo nito at masamang mga pagnanasa.

Juan 17:17 Italaga mo sila sa iyong sarili na nasa katotohanan; ang iyong salita ay katotohanan.

Kung tayo ay naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, tayo ay ginawang banal. (Mga Gawa 26:18, Roma 15:16, 1 Corinto 6:11, Hebreo 2:11, Hebreo 10:10)

Mga Gawa 26:18 upang buksan ang kanilang mga mata at upang ibalik sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, upang tanggapin nila mula sa Diyos ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana na ibibigay ko sa kanila na aking itinalaga para sa aking sarili sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin.'

Roma 15:16 Itong kaloob na dapat akong maging lingkod ni Cristo Jesus na isinugo sa mga Gentil, upang ihandog bilang isang pari ang ebanghelyo ng Diyos. Kailangan kong gawin ito upang ang handog ng mga Gentil ay maging katanggap-tanggap, nakalaan sa Diyos sa pamamangitan ng Banal na Espiritu.

1 Corinto 6:11 At ganyan ang ilan sa inyo. Ngunit nilinis na kayo, at inihandog na kayo sa Diyos, at kayo ay ginawa nang matuwid sa Diyos sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.

Hebreo 2:11 Sapagkat parehong ang tagapaghandog at mga ihinahandog ay iisa lang ang pinanggalingan, ang Diyos. Dahil dito, ang tagapaghandog nila sa Diyos ay hindi nahihiyang tawagin silang mga kapatid.

Hebreo 10:10 Sa pangalawang kaugalian, tayo ay naihandog sa Diyos sa kaniyang kalooban at sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo ng minsan para sa lahat.