Mt 5:43-44, Lc 6:27-28, Lc 23:34,, Ezk 18:23, 32, 1 Tim 2:4, 2 Pedro 3:9
Sinasabi sa atin ng Lumang Tipan na huwag maghiganti. (Lev 19:18)
Lev 19:18 Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
Sinabi ni Hesus na ibigin ang ating mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa atin. ( Mateo 5:43-44, Lucas 6:27-28 )
Mateo 5:43 Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.' 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo,
Lucas 6:27 Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga umaapi sa inyo.
Pinatawad ni Hesus ang mga nagpako sa Kanya. ( Lucas 23:34 )
Lucas 23:34 Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagsapalaran, hinati-hati ang kaniyang kasuotan.
Nais ng Diyos na maging ang masasama ay maligtas. ( Ezekiel 18:23, 32, 1 Tim 2:4, 2 Pedro 3:9 )
Ezekiel 18:23 Labis ko bang ikinagagalak ang pagkamatay ng makasalanan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at hindi ang kaniyang pagtalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang siya ay mabuhay?
32 Sapagkat hindi ako nagagalak sa pagkamatay ng isang namatay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh- kaya magsisi at mabuhay!”
1 Tim 2:4 Ninanais niya na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa katotohanan.
2 Pedro 3:9 Ang Panginoon ay hindi mabagal tungkol sa kaniyang mga pangako, na itinuturing ng iba na kabagalan, ngunit siya ay matiyaga sa iyo. Hindi niya ninanais na sino man sa inyo ay mapahamak, ngunit ninanais niyang bigyan ng panahon ang lahat upang magsisi.