Ex 12:11, Jn 1:29, 1 Pt 1:19, Isa 53:6-7, 10, 1 Cor 5:7, Pahayag 5:6,9, Pahayag 7:14, Jn 6:53-54, Heb 10:10
Sa Lumang Tipan, ginawa ng Diyos na ipagdiwang ng mga Israelita ang Paskuwa. ( Lev 23:5 , Exo 12:11 )
Lev 23:5 Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan sa takipsilim, ay Paskuwa ni Yahweh.
Exo 12:11 Ganito dapat kung paano ninyo ito kakainin: Suot ang inyong sinturon sa inyong baywang, ang inyong mga sapatos sa inyong paa, at inyong tungkod sa kamay. Kailangan ninyong kainin ito ng mabilisan. Ito ang Paskua ni Yahweh.
Sa Lumang Tipan, inihula na ang darating na Kristo ay mamamatay tulad ng Kordero bilang handog sa pagkakasala. ( Isa 53:6-7,10 )
Isa 53:6 Tayong lahat ay gaya ng mga tupang ligaw; ang bawat isa ay nagkanya-kanyang daan, at ipinataw sa kanya ni Yahweh ang kasamaan nating lahat. 7 Siya ay pinahirapan; gayun man nang nagpakumbaba siya, hindi niya ibinuka ang kanyang bibig, gaya ng isang kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na bago ito gupitan ay tahimik, kaya hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
10 Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.
Si Jesus ang Kordero ng Paskuwa ng Diyos. (Juan 1:29, 1 Ped 1:19)
Juan 1:29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
1 Ped 1:19 Pero kayo ay tinubos sa marangal na dugo ni Cristo, tulad ng isang tupa na walang kapintasan at walang karumihan.
Si Jesus, ang Kristo, ay pinatay tulad ng Kordero ng Paskuwa upang tayo ay iligtas. (1 Corinto 5:7, Hebreo 10:10, Pahayag 5:6,9, Pahayag 7:14)
1 Corinto 5:7 Linisin ninyo ang inyong sarili sa lumang lebadura upang kayo ay maging bagong masa, at upang kayo ay maging tinapay na walang lebadura. Sapagkat si Cristo, na ating kordero ng Paskua, ay inihandog na.
Hebreo 10:10 Sa pangalawang kaugalian, tayo ay naihandog sa Diyos sa kaniyang kalooban at sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo ng minsan para sa lahat.
Pahayag 5:6 Sa pagitan ng trono at ng apat na buhay na mga nilalang at sa kalagitnaan ng mga nakatatanda, nakita ko ang isang Kordero na nakatayo, nagmamasid na kahit siya ay pinatay. Mayroon siyang pitong mga sungay at pitong mga mata — ito ay ang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa lahat ng dako ng lupa.
9 Umawit sila ng bagong awit: “Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at buksan ang mga selyo nito. Dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng iyong dugo, binili mo ang mga tao para sa Diyos mula sa bawat lipi, wika, mga tao, at bansa.
Pahayag 7:14 Sinabi ko sa kaniya, “Alam po ninyo, ginoo,” at sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero.”
Dapat tayong maniwala kay Jesus bilang ang Kristo at kilalanin siya araw-araw. (Juan 6:53-54)
Juan 6:53 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili. 54 Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.