Gal 3:19-24, Gal 4:4-5, Rom 11:32, Gawa 13:39, Rom 10:4, Gal 2:16,21, Gawa 10:43, Gal 3:11, Heb 9:10 -12
Sa Lumang Tipan, gumawa ang Diyos ng mga tuntunin at batas sa pamamagitan ni Moises. (Lev 26:46)
Lev 26:46 Ito ang mga utos, kautusan, at mga batas na ginawa ni Yahweh sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga tao ng Israel sa Bundok Sinai sa pamamagitan ni Moises.
Ang batas ay hinahatulan tayo ng kasalanan at inaakay tayo kay Kristo. ( Gal 3:19-24 )
Gal 3:19 Kung ganoon, bakit ibinigay ang kautusan? Ito ay idinagdag dahil sa mga paglabag, hanggang sa dumating ang kaapu-apuhan ni Abraham sa mga taong pinangakuan. Ang kautusan ay ipinatupad sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng tagapamagitan. 20 Ngayon ipinapahiwatig ng tagapamagitan na may higit sa isang tao, subalit ang Diyos ay iisa lamang. 21 Kung gayon ang kautusan ba ay laban sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Sapagkat kung ang kautusan ay ibinigay at may kakayahang magbigay ng buhay, tiyak na ang katuwiran ay dumating sa pamamagitan ng kautusan. 22 Ngunit sa halip, ibinilanggo ng kasulatan ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang kaniyang pangako na iligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo ay maibigay sa kanila na sumampalataya. 23 Subalit bago ang dumating ang pananampalataya kay Cristo, ibinilanggo tayo at ikinulong ng kautusan hanggang sa kapahayagan ng pananampalataya. 24 Kaya ang kautusan ay naging taga-gabay natin hanggang si Cristo ay dumating, upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ginawa ng Diyos na imposible para sa mga tao na tuparin ang lahat ng batas, upang sila ay maging matuwid sa pamamagitan ni Kristo. ( Rom 11:32, Gawa 13:39 )
Rom 11:32 Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat.
Gawa 13:39 Sa pamamagitan niya ang bawat isang mananampalataya ay pinawalang-sala mula sa lahat ng bagay na hindi kayang maipawalang-sala sa inyo sa kautusan ni Moises.
Si Jesus ay isinilang sa ilalim ng batas at naging katapusan ng batas upang makamit ang katuwiran para sa lahat ng naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo. ( Galacia 4:4-5, Roma 10:4 )
Galacia 4:4 Ngunit nang dumating ang takdang panahon, ipinadala ng Diyos ang kaniyang Anak, ipinanganak ng isang babae, ipinanganak sa ilalim ng kautusan. 5 Ginawa niya ito upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop bilang mga anak.
Roma 10:4 Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kautusan para sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.
Walang sinuman ang maaaring makatwiran sa pamamagitan ng pagsunod sa batas. Ang isang tao ay nabibigyang-katwiran sa pamamagitan ng paniniwala kay Hesus bilang ang Kristo. ( Gal 2:16, 21 )
Gal 2:16 alam namin na walang sinuman ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sa halip, pinawalang-sala sila sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo Jesus. Tayo ay nanampalataya kay Cristo Jesus upang maaari tayong mapawalang-sala sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sapagkat sa pammamagitan ng paggawa ng kautusan, walang laman ang mapapawalang-sala.
21 Hindi ko ipinagwawalang-halaga ang biyaya ng Diyos, sapagkat kung ang pagkamakatuwiran ay umiiral sa pamamagitan ng kautusan, kung gayon si Cristo ay namatay nang walang kabuluhan.
Sinasabi rin ng mga propeta ng Lumang Tipan na ang mga tao ay tumatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala kay Kristo. (Mga Gawa 10:43, Gal 3:11)
Mga Gawa 10:43 Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”
Gal 3:11 Ngayon malinaw na walang sinuman ang pinapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ang batas hanggang sa dumating si Kristo. Tinupad ni Jesus, ang Kristo, ang batas na iyon sa pamamagitan ng paggawa para sa atin ng walang hanggang pagbabayad-sala sa Kanyang dugo. ( Hebreo 9:10-12 )
Hebreo 9:10 Mga pagkain at inumin lamang ang mga ito na kaugnay ng iba't-ibang uri ng seremonya ng paglilinis. Ang lahat ng ito ay alituntunin para sa laman na inilaan hanggang sa maganap ang bagong kaayusan. 11 Dumating si Cristo bilang pinaka-punong pari ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng mas dakila at higit na ganap na sagradong tolda na hindi gawa sa mga kamay ng tao, na hindi kabilang sa mundong nilikha. 12 Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan.