Bilang 14:28-30, Jn 5:24, Jn 3:16
Ang lahat ng mga Israelita na hindi sumunod sa tinig ng Diyos ay namatay sa ilang. (Bil 26:64-65, Bil 14:28-30)
Bilang 26:64 Ngunit sa mga ito walang taong nabilang sina Moises at Aaron na pari nang bilangin nila ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa ilang ng Sinai. 65 Sapagkat sinabi ni Yahweh na ang lahat ng mga taong iyon ay tiyak na mamamatay sa ilang. Walang isang taong natira kasama nila, maliban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.
Bilang 14:28 Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo: 29 Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas. 30 Tiyak na hindi kayo makakapunta sa lupaing aking ipinangako upang gawin ninyong tahanan, maliban kay Caleb na lalaking anak ni Jefune at Josue na lalaking anak ni Nun.
Ang mga hindi naniniwala na si Jesus ang Kristo ay hahatulan at mapahamak. Sa kabaligtaran, ang mga naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay hindi mamamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 5:24, Juan 3:16)
Juan 5:24 Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay.
Juan 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.