Heb 7:27, Deut 8:3, Jn 6:32-33, 35, 48-51

Sa Lumang Tipan, ang mga Israelita na umalis sa Ehipto ay nag-alay ng mga hain sa Diyos araw-araw. (Bilang 28:3-4)

Bilang 28:3 Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin. 4 Dapat mong ihandog ang isang tupa sa umaga, at dapat mong ihandog ang ibang tupa sa gabi.

Inialay ni Hesus ang kanyang sarili sa Diyos sa krus nang minsan para sa lahat, kaya hindi na natin kailangang mag-alay ng araw-araw na sakripisyo. (Heb 7:27)

Heb 7:27 Hindi siya nangangailangan, di tulad ng mga pinaka-punongpari, na mag-alay ng handog araw-araw, una para sa kaniyang sariling kasalanan, at pagkatapos para sa kasalanan ng mga tao. Ginawa niya ito nang minsanan para sa lahat, nang inialay niya ang kaniyang sarili.

Dapat tayong mamuhay ayon sa salita ng Diyos araw-araw. ( Deut 8:3 )

Deut 8:3 Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.

Kung paanong ang mga Israelita ay nag-alay ng araw-araw na paghahandog sa Diyos sa Lumang Tipan, ngayon ay kailangan natin si Kristo araw-araw. (Juan 6:32-33,35,48-51)

Juan 6:32 Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kinain ng inyong mga ninuno ang manna sa ilang at sila ay namatay. 50 Ito ang tinapay na nagmula sa langit, upang ang isang tao ay kumain nito at hindi mamamatay. 51 Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo.