Rom 10:5-13, Deut 30:11-12, 14, Isa 28:16, Joel 2:32

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na ang mga sumusunod sa batas ay mabubuhay. ( Deuteronomio 4:1 )

Deuteronomio 4:1 Ngayon, Israel, makinig kayo sa mga batas at mga panuntunan na ituturo ko sa inyo, gawin ang mga ito; ng sa gayon maaari kayong mabuhay at makapasok at angkinin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama.

Sinasabi ng Lumang Tipan na kung ang batas na ibinigay ni Moises ay nasa ating mga puso, magagawa natin itong sundin. (Deut 30:11-12,14)

Deut 30:11 Dahil itong utos na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito ay hindi lubhang mahirap para sa inyo, ni ito ay napakalayo sa inyo para abutin, 12 hindi ito nasa langit, para sabihin ninyo, “Sinong nais umakyat sa atin sa langit at dalhin ito pababa sa atin at maaari nating marinig ito, para magawa natin ito?'
14 Pero ang salita ay napakalapit sa inyo, nasa inyong bibig at nasa inyong puso, para inyong magawa ito.

Sinasabi ng Lumang Tipan na ang tao ay mabubuhay kapag siya ay naniniwala kay Kristo, ang nasubok na bato. ( Isa 28:16 )

Isa 28:16 Kaya sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo: Maglalagay ako ng isang pundasyong bato sa Sion, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. Siya na naniniwala ay hindi mapapahiya.

Sinasabi ng Lumang Tipan na ang mga tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. ( Joel 2:32 )

Joel 2:32 Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.

Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa ating mga puso na si Hesus ang Kristo. (Roma 10:5-13)

Roma 10:5 Sapagkat sumulat si Moises tungkol sa katuwiran na nagmumula sa kautusan: “Ang taong gumagawa ng katuwiran ng kautusan ay mabubuhay sa katuwirang ito.” 6 Ngunit ganito ang sinasabi ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong puso, 'Sino ang aakyat sa langit?' (sa makatuwid ay upang pababain si Cristo). 7 At huwag mong sasabihing, 'Sino ang bababa sa kailaliman?'” (sa makatuwid ay upang iakyat si Cristo mula sa patay.) 8 Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, sa iyong bibig at sa iyong puso.” Iyan ang salita ng pananampalataya, na aming ipinapahayag. 9 Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka. 10 Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa katuwiran, at sa bibig kumikilala siya para sa kaligtasan. 11 Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang sinumang nananampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.” 12 Sapagkat walang pagkakaiba ang Judio at Griyego. Dahil iisang Panginoon ang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya. 13 Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.