Jn 5:37-39, Jn 14:8-9, 2 Cor 4:4, Col 1:15, Heb 1:3

Sa Lumang Tipan, narinig ng mga Israelita ang tinig ng Diyos ngunit hindi nila nakita ang larawan ng Diyos. ( Deuteronomio 4:12, 15 )

Deuteronomio 4:12 Nagsalita si Yahweh sa inyo sa kalagitnaan ng apoy; narinig ninyo ang kaniyang boses na may mga salita, pero wala kayong nakitang anyo; boses lamang ang narining ninyo.
15 Kaya maging maingat sa inyong mga sarili, dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na iyon na nagsalita si Yahweh sa Horeb sa kalagitnaan ng apoy.

Ang mga naniniwala na si Jesus ang Kristo ay maaaring marinig ang tinig ng Diyos at makita ang larawan ng Diyos. (Juan 5:37-39)

Juan 5:37 Ang Ama na siyang nagpadala sa akin ang siya ring nagpatotoo tungkol sa akin. Hindi ninyo kailanman narinig ang kaniyang tinig o nakita ang kaniyang anyo. 38 Hindi nananatili ang kaniyang salita sa inyo, sapagkat hindi kayo naniniwala sa kaniyang isinugo. 39 Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin,

Si Jesucristo ang larawan ng Diyos. (Juan 14:8-9, 2 Corinto 4:4, Colosas 1:15, Hebreo 1:3)

Juan 14:8 Ang sabi ni Felipe kay Jesus, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at iyon ay sapat na sa amin”. 9 Ang sabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, hindi ba matagal na akong kasama ninyo, at hindi mo pa rin ako nakikilala? Kung sinuman ang nakakita sa akin, nakakita sa Ama; paano mo nasasabi, 'Ipakita sa amin ang Ama'?

2 Corinto 4:4 Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos.

Colosas 1:15 Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha.

Hebreo 1:3 Ang kaniyang Anak ang ningning ng kaniyang kaluwalhatian, ang totoong katangian ng kaniyang diwa, at pinapanatili niya ang lahat sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang nakamit ang paglilinis ng mga kasalanan, umupo siya sa kanang kamay ng kataas-taasang kamahalan.