Rom 8:30, Phil 1:6, 1 Thess 5:24, 1 Cor 1:7-9

Ang Diyos ay tapat. (Deut 7:9)

Deut 7:9 Kaya kilalanin si Yahweh na inyong Diyos— siya ay Diyos, ang tapat na Diyos, na nagpapanatili ng mga tipan at katapatan sa isang libong salinlahi sa mga nagmamahal sa kaniya at nagpapanatili ng kaniyang mga utos,

Nagpasya ang Diyos na iligtas tayo at binibigyang-katwiran at luwalhatiin tayo. (Roma 8:30)

Roma 8:30 Ang kaniyang mga itinalaga, sila rin ang kaniyang mga tinawag. Ang kaniyang mga tinawag, sila rin ang kaniyang mga pinawalang-sala. Ang kaniyang mga pinawalang-sala, kaniya ring niluwalhati.

Gumagawa ang Diyos ng mabubuting gawa para sa mga naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, hanggang sa araw ni Kristo Hesus. ( Fil 1:6, 1 Tesalonica 5:24 )

Fil 1:6 Nagtitiwala ako sa bagay na ito, na ang nagsimula ng mabuting gawain sa inyo ay ipagpapatuloy na tapusin ito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.

1 Tesalonica 5:24 Tapat ang tumawag sa inyo, at siya rin ang gagawa ng mga ito.

Si Jesus, ang Kristo, ay nagtatatag din sa atin hanggang sa araw ni Kristo. ( 1 Corinto 1:7-9 )

1 Corinto 1:7 Samakatuwid kayo nga ay hindi nagkukulang sa kaloob ng Espiritu, habang sabik kayong naghihintay sa kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 8 Kayo din ay kaniyang palalakasin hanggang sa huli, upang kayo ay walang bahid sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 9 Tapat ang Diyos na siyang tumawag sa inyo sa pakikipagtipon sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.