Lc 23:34, Gawa 3:14-15,17, Heb 6:20, Heb 9:11-12

Sa Lumang Tipan, inutusan ng Diyos ang mga Israelita na magtayo ng isang lungsod ng kanlungan kung saan makakatakas ang mga hindi sinasadyang nakapatay ng tao. ( Josue 20:2-3, 6 )

Josue 20:2 “Sabihin mo sa bayan ng Israel, na sinasabing, 'Pumili ng mga lungsod ng kanlungan na sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng kamay ni Moises. 3 Gawin ito para makapunta doon ang isang tao na nakapatay nang hindi sinasadya. Ang mga lungsod na ito ay magiging isang lugar ng kanlungan mula sa sinumang naghahangad para sa paghihiganti sa dugo ng isang tao na pinatay.
6 Dapat siyang manatili sa lungsod hanggang tumayo siya sa harap ng kapulungan para sa paghatol, hanggang sa kamatayan ng naglilingkod bilang punong pari sa mga araw na iyon. Pagkatapos ang isang sadyang nakapatay sa tao ay maaaring bumalik sa kaniyang sariling bayan at kaniyang sariling tahanan, sa bayan na kaniyang tinakasan.

Hindi alam ng mga tao ng Israel na si Jesus ang Kristo, kaya hindi nila sinasadyang napatay ang Kristo, si Jesus. ( Lucas 23:34, Gawa 3:14-15,17 )

Lucas 23:34 Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagsapalaran, hinati-hati ang kaniyang kasuotan.

Gawa 3:14 Ang layunin ay upang ang pagpapala na nakay Abraham ay dumating sa mga Gentil dahil kay Cristo Jesus, upang sa ganoon ay matanggap natin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. 15 Mga kapatid, magsasalita ako ayon sa pang-taong mga salita. Maging ang pang-taong kasunduan na napagtibay na ay walang makapagpapawalang-bisa nito o makapagdagdag nito.
17 At ngayon sinasabi ko ito. Ang kautusan, na dumating pagkaraan ng 430 na taon, ay hindi pinawalang-bisa ang kasunduan na noon ay pinagtibay ng Diyos.

Bilang tunay na punong pari, si Hesus ay namatay sa krus para sa ating mga kasalanan. ( Heb 6:20, Heb 9:11-12 )

Heb 6:20 Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

Heb 9:11 Dumating si Cristo bilang pinaka-punong pari ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng mas dakila at higit na ganap na sagradong tolda na hindi gawa sa mga kamay ng tao, na hindi kabilang sa mundong nilikha. 12 Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan.

Si Hesus ang ating lungsod ng kanlungan. ( Mat 11:28 )

Mat 11:28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.