Ex 14:14,25, Deut 1:30, Deut 20:4, Jos 10:14,42
Sa Lumang Tipan, noong ang mga tao ng Israel ay naniwala sa Diyos, ipinaglaban sila ng Diyos.
Jos 23:3 Nakita ninyo ang lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng mga bansang ito para sa inyong kapakanan, dahil si Yahweh na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.
10 Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
Ex 14:14 Si Yahweh ay makikipaglaban para sa inyo, at kailangan lang ninyong manatili.
25 Ang gulong ng kanilang mga karwahe ay nabaon, at ang mga nangangabayo ay nahirapang magpatakbo. Kaya sinabi ng mga taga-Ehipto, “Tumakas na tayo mula sa Israel, dahil si Yahweh ay lumalaban para sa kanila laban sa atin.
Deut 1:30 Si Yahweh na inyong Diyos na nanguna sa inyo, siya ay makikipaglaban para sa inyo, tulad ng lahat ng bagay na ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong mga mata,
Deut 20:4 dahil si Yahweh na inyong Diyos ang siyang sasama sa ninyo para ipaglaban kayo laban sa inyong mga kaaway at para kayo ay iligtas.'
Jos 10:14 Wala pang nangyari sa anumang araw gaya ng pangyayaring ito dati o pagkatapos nito, nang sinunod ni Yahweh ang salita ng isang tao. Dahil si Yahweh ay nakikipagdigmaan sa kapakanan ng Israel.
42 Nasakop ni Josue ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain sa isang iglap dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nakipaglaban para sa Israel.