Gawa 13:20, Mt 1:21, Lk 1:68-71, Lk 2:25-26, 30, Jn 3:17, Jn 12:47, Gawa 2:21, Gawa 16:31, Rom 1:16 , Rom 10:9

Sa Kapanahunan ng mga Hukom sa Lumang Tipan, iniligtas ng Diyos ang mga tao ng Israel sa pamamagitan ng mga hukom. ( Hukom 2:16, 18, Gawa 13:20 )

Hukom 2:16 Si Yahweh ay nagtaas ng mga hukom, na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng mga nagnanakaw ng kanilang mga ari-arian.
18 Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.

Gawa 13:20 Naganap ang lahat ng pangyayaring ito sa loob ng apat na raan at limampung taon. Matapos ang lahat ng bagay na ito, binigyan sila ng Diyos ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

Iniligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus, ang Kristong ipinangako sa Lumang Tipan. (Mateo 1:21, Lucas 1:68-71, Lucas 2:25-26,30, Juan 3:17, Juan 12:47)

Mateo 1:21 Isisilang niya ang isang anak na lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao mula sa mga kasalanan nila.”

Lucas 1:68 “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat tumulong siya at tinubos ang kaniyang mga tao. 69 Itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ng kaniyang lingkod na si David, mula sa kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si David, 70 tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon. 71 Magdadala siya ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga galit sa atin.

Lucas 2:25 Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya. 26 Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay bago niya makita ang Cristo ng Panginoon.
30 Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas

Juan 3:17 Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.

Juan 12:47 Kung sinuman ang nakakarinig ng aking mga salita, subalit hindi sinusunod ang mga ito, hindi ko siya hinahatulan, sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang mundo, kundi upang iligtas ang mundo.

Ang mga naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay naligtas. (Mga Gawa 2:21, Mga Gawa 16:31, Roma 1:16, Roma 10:9)

Mga Gawa 2:21 Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'

Mga Gawa 16:31 Sinabi nila sa kaniya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan.”

Roma 1:16 Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang sinumang sumasampalataya, una ay sa Judio at gayon din sa Griyego.

Roma 10:9 Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.