1 Sam 13:14, Gawa 13:22-23, Jn 19:30

Sa Lumang Tipan, hinirang ng Diyos si David bilang hari ng Israel. ( 1 Samuel 16:12-13 )

1 Samuel 16:12 Nagpadala si Jesse at ipinasundo siya. Ngayon ang binatilyong ito ay malusog at may magandang mga mata at makisig na anyo. Sinabi ni Yahweh, “Tumayo ka, buhusan mo siya ng langis; sapagka't siya na iyon.” 13 Pagkatapos kinuha ni Samuel ang sungay ng langis at binuhusan siya sa gitna ng kanyang mga kapatid na lalaki. Mula sa araw na iyon lumukob ang Espiritu ni Yahweh kay David. Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Rama.

Sa Lumang Tipan, hindi sinunod ni Haring Saul ang kalooban ng Diyos, kaya natapos ang paghahari ni Haring Saul. ( 1 Samuel 13:14 )

1 Samuel 13:14 Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”

Si Hesus ang tunay na Hari na ganap na tumupad sa kalooban ng Diyos. ( Gawa 13:22-23 )

Gawa 13:22 Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, 'Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.' 23 Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin.

Tinupad ni Hesus ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. (Juan 19:30)

Juan 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.