Lc 4:24-27, 2 Mga Hari 5:14, Isa 43:6-7, Mal 1:11, Mic 4:2, Zac 8:20-23, Mt 8:10-11, Rom 10:9-12
Sa Lumang Tipan, si Elijah ay hindi tinanggap sa Israel at nagpunta sa isang balo sa lupain ng Sidon. ( 1 Mga Hari 17:8-9 )
1 Mga Hari 17:8 Dumating ang mensahe ng Diyos sa kaniya na nagsasabing, 9 “Bumangon ka, pumunta ka sa Sarepta na sakop ng Sidon, at doon ka manahan. Tingnan mo, inutusan ko ang isang balo para alagaan ka.
Ang mga propeta ay hindi tinatanggap sa Israel at nagpunta sa mga lupain ng mga Gentil. ( Lucas 4:24-27 )
Lucas 4:24 Sinabi din niya, “Tapat kong sinasabi sa inyo, walang propeta ang tinanggap sa sarili niyang bayan. 25 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan na maraming mga balo sa Israel sa panahon ni Elias, noong sumara ang kalangitan na walang ulan sa loob ng tatlo at kalahating mga taon, noong nagkaroon ng matinding taggutom sa lahat ng kalupaan. 26 Ngunit hindi ipinadala si Elias sa kahit sinuman sa kanila, ngunit sa isang balo lamang na naninirahan sa Sarepta na malapit sa lungsod ng Sidon. 27 Mayroon ding maraming mga ketongin sa Israel sa panahon ni propeta Eliseo, ngunit wala sa kanila ang gumaling maliban kay Naaman na taga-Siria.”
Sa Lumang Tipan, hindi tinanggap si Eliseo sa Israel at pinagaling si Naaman na Syrian na isang ketongin sa lupain ng mga Gentil. ( 2 Mga Hari 5:14 )
2 Mga Hari 5:14 Kaya nagpunta siya at lumublob ng pitong beses sa Jordan bilang pagsunod sa mga tagubilin ng lingkod ng Diyos. Bumalik ang kaniyang kutis, tulad ng kutis ng isang maliit na bata, at siya ay gumaling.
Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na ang ebanghelyo ay ipangangaral sa mga Gentil at na ang mga Gentil ay maliligtas. (Isa 43:6-7, Mal 1:11, Mic 4:2, Zac 8:20-23)
Isa 43:6 Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo, 7 ang lahat ng tumatawag sa aking pangalan, na aking nilikha para sa aking kaluwalhatian, na aking hinubog, oo, na aking ginawa.
Mal 1:11 Sapagkat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa; sa bawat lugar na ihahandog ang insenso para sa aking pangalan at maging ang dalisay na handog. Sapagkat magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Mic 4:2 Maraming bansa ang pupunta at sasabihin, “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
Zac 8:20 ''Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Muling darating ang mga tao, maging ang mga naninirahan sa iba't ibang mga lungsod. 21 Pupunta ang mga naninirahan sa isang lungsod patungo sa ibang lungsod at sasabihin, ''Magmadali tayong pumunta upang humingi ng tulong kay Yahweh at upang hanapin si Yahweh ng mga hukbo! Pupunta rin kami mismo.''' 22 Darating ang maraming tao at malalakas na mga bansa upang hanapin si Yahweh ng mga hukbo sa Jerusalem at hihingi ng tulong kay Yahweh!'' 23 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa mga panahong iyon, sampung kalalakihan mula sa bawat wika at bansa ang hahawakan nang mahigpit ang laylayan ng iyong balabal at sasabihin, “Sasama kami sa iyo, sapagkat narinig namin na kasama mo ang Diyos!'''''
Naligtas ang mga Gentil na naniwala kay Hesus bilang ang Kristo. ( Mateo 8:10-11, Gawa 13:48 )
Mateo 8:10 Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha at kaniyang sinabi sa mga taong sumusunod sa kaniya, “Totoo ito sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong pananampalataya sa Israel. 11 Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
Gawa 13:48 Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan.