Jn 8:44, 2 Cor 4:4
Sa Lumang Tipan, nilinlang ng masasamang espiritu ang mga Israelita at dinaya sila upang hindi sila maniwala sa Diyos. ( 1 Mga Hari 22:22 )
1 Mga Hari 22:22 Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
Si Satanas ang espiritu ng kasinungalingan, dinadaya ang puso ng mga tao upang hindi sila maniwala na si Jesus ang Kristo. (Juan 8:44, 2 Corinto 4:4)
Juan 8:44 Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
2 Corinto 4:4 Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos.