Isa 9:6-7, Gawa 10:36, Fil 2:10-11
Sa Lumang Tipan, sinabi ni David sa mga Israelita na ang Diyos ang mamamahala sa lahat ng mga bansa. ( 1 Mga Cronica 16:31 )
1 Mga Cronica 16:31Matuwa ang mga langit at ang daigdig ay magalak; sasabihin nila sa lahat ng mga bansa, “maghari si Yahweh.”
Sa Lumang Tipan ay inihula na ipapadala ng Diyos si Kristo bilang Prinsipe ng Kapayapaan. ( Isa 9:6-7 )
Isa 9:6 Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. 7 Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Ginawa ng Diyos si Jesus na Kristo na Panginoon ng lahat at Hari ng mga hari. ( Gawa 10:36, Fil 2:10-11 )
Gawa 10:36 Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—
Fil 2:10 Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa. 11 Ginawa niya ito upang ang lahat ng labi ay magsasabing si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.