Aw 118:22-23, Gawa 4:11-12, Eph 2:20, Isa 8:14, Dan 2:34-35
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay magiging batong panulok ng Israel. ( Aw 118:22-23 )
Aw 118:22 Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato. 23 Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata.
Tinalikuran ng mga Hudyo si Hesus, ngunit si Hesus ang Kristo, ang batong panulok na nagliligtas sa Israel at sa buong mundo. (Mt 21:42-43, Gawa 4:11-12, Efe 2:20)
Mt 21:42 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa sa mga kasulatan, 'Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ay naging batong panulukan. Ito ay galing sa Panginoon, at ito ay kamanghamangha sa ating mga mata.' 43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito.
Gawa 4:11 Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan. 12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”
Efe 2:20 Itinayo kayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta. Si Cristo Jesus ang batong panulukan.
Ang mga hindi naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay mamamatay. (Mt 21:44, Isa 8:14, Dan 21:42-44)
Mt 21:44 Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”
Isa 8:14 Siya ay magiging santuaryo; pero siya ay tulad ng isang bato na tatama sa kanila, at isang malaking bato na makakapagpatumba sa dalawang bahay ng Israel. At siya ay magiging patibong at silo sa mamamayan ng Jersusalem.
Dan 2:42 Habang ang mga daliri sa paa ay bahagyang gawa sa bakal at bahagyang gawa sa putik, kaya ang kaharian ay bahagyang matibay at bahagyang marupok. 43 Habang nakita mo na inihalo ang bakal sa malambot na putik, kaya magkakahalo ang mga tao; hindi na sila mananatiling magkasama, gaya ng bakal na hindi inihahalo sa putik. 44 Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.