Job 26:11, Mt 14:25, Mc 6:47-48, Jn 6:19, Mt 8:24-27

Sa Lumang Tipan, tinapakan ng Diyos ang mga alon ng dagat at sinaway ang dagat upang ito ay pakalmahin. ( Job 9:8, Job 26:11 )

Job 9:8 siya na mismong naglatag ng mga kalangitan at siyang yumuyurak at sumusupil sa mga alon ng dagat,

Job 26:11 Nanginginig ang mga haligi ng langit at nabibigla sa kaniyang pagsasaway.

Lumakad din si Jesus sa dagat at sinaway ang dagat at pinatahimik ito. (Mateo 14:25, Marcos 6:47-48, Juan 6:19, Matt 8:24-27)

Mateo 14:25 Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat.

Marcos 6:47 Sumapit ang gabi, nasa kalagitnaan na ng dagat ang bangka, at siya ay nag-iisa sa lupa. 48 At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila.

Juan 6:19 At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot.

Matt 8:24 Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus. 25 Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, “Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!” 26 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?” At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan. 27 Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, “Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?”