1 Tim 2:5, 1 Jn 2:1-2, Heb 8:6, Heb 9:15, Heb 12:24
Sa Lumang Tipan, nagdalamhati si Job dahil alam niyang walang tagapamagitan sa Diyos at sa kanyang sarili. ( Job 9:32-33 )
Job 9:32 Dahil ang Diyos ay hindi tao, kagaya ko, na maaari ko siyang sagutin, na pareho kaming pupunta sa hukuman. 33 Walang hukom sa pagitan namin na maaaring magpatong ng kaniyang kamay sa aming dalawa.
Si Hesus, ang Kristo, ang tagapamagitan sa Diyos at sa atin. (1 Timoteo 2:5, Hebreo 8:6)
1 Timoteo 2:5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus.
Hebreo 8:6 Ngunit ngayon tinanggap ni Cristo ang isang mas mataaas na paglilingkod dahil siya din ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako.
Si Jesus ang naging kabayaran para sa ating mga kasalanan at naging tagapamagitan sa atin at sa Diyos. (1 Juan 2:1-2, Hebreo 9:15, Hebreo 12:24)
1 Juan 2:1 Mga minamahal kong anak, isinusulat ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo magkasala. Pero kung sino man ang magkasala, mayroon tayong tagapagtanggol sa Ama, Si Jesu-Cristo ang nag-iisang makatuwiran. 2 Siya ang taga-pamayapa para sa ating mga kasalanan, at hindi lang para sa atin, kundi para din sa buong mundo.
Hebreo 9:15 Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako.
Hebreo 12:24 Kayo ay lumapit kay Jesus na tagapamagitan ng isang bagong tipan, at sa dugong naikalat na higit na nagsasalita ng mabuti kaysa sa dugo ni Abel.