Isa 64:6, Jer 2:13, Rom 3:10-12,23, Efe 2:3
Sa Lumang Tipan, ipinagtapat ni David na lahat ng tao sa mundo ay makasalanan. ( Awit 14:2-3 )
Awit 14:2 Si Yahweh ay tumingin sa baba mula sa langit sa mga anak ng sangkatauhan para makita kung mayroong sinuman ang nakauunawa, kung sino ang naghahanap sa kaniya. 3 Ang lahat ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa.
Sa Lumang Tipan, kahit si Isaias ay umamin na ang lahat ng tao ay makasalanan. ( Isa 64:6 )
Isa 64:6 Dahil kaming lahat ay naging tulad ng isang taong marumi, at lahat ng aming matutuwid na gawa ay parang pasador. Kaming lahat ay nalanta na parang dahon; ang aming mga kasamaan, tulad ng hangin, ay naglayo sa amin.
Lahat ng tao ay nagsisikap na mamuhay sa kanilang sarili, tinatalikuran ang Diyos na siyang pinagmumulan ng buhay. (Jeremias 2:13)
Jeremias 2:13 Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!
Ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. (Roma 3:10-12,23, Efeso 2:3)
Roma 3:10 Ito ay gaya ng nasusulat: “Walang matuwid, wala ni isa. 11 Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos. 12 Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Efeso 2:3 ayong lahat ay minsan ding naging katulad ng mga hindi mananampalataya. Gumagawa tayo ayon sa mga masasamang nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang kagustuhan ng laman at ng isip. Likas tayong mga anak ng poot katulad ng iba.