Rom 11:26, Isa 59:20

Sa Lumang Tipan, umaasa si David na si Kristo ay lalabas sa Sion upang iligtas ang Israel. ( Awit 14:7 )

Aw 14:7 Oh, ang kaligtasan ng Israel ay manggagaling mula sa Sion! Kapag binalik ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel!

Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na si Kristo, ang Manunubos ng Israel, ay darating sa Sion. ( Isa 59:20 )

Isa 59:20 Isang manunubos ay darating sa Sion at sa mga tumalikod mula sa kanilang pagrerebeldeng mga gawain kay Jacob—Ito ang kapahayagan ni Yahweh.

Sinabi ni Pablo na ang bansang Israel ay maliligtas din sa pamamagitan ni Kristo Jesus, na nagmula sa Sion. (Roma 11:26)

Roma 11:26 Kaya ang lahat ng Israel ay maliligtas, gaya ito ng nasusulat: “Mula sa Sion manggagaling ang Tagapagligtas. Tatanggalin niya ang kasamaan mula kay Jacob.