1 Cor 10:1-4
Sa Lumang Tipan, ipinagtapat ng salmista na pinamunuan ng Diyos ang mga Israelita sa ilang sa loob ng 40 taon. ( Mga Awit 78:12-15 )
Mga Awit 78:12 Gumawa siya ng kahanga-hangang mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Soan. 13 Hinati niya ang dagat at dinala sila sa kabila nito; pinatayo niya ang mga tubig na gaya ng mga pader. 14 Sa umaga, pinangunahan niya sila ng ulap at sa buong gabi sa liwanag ng apoy. 15 Biniyak niya ang mga bato sa ilang, at binigyan sila ng maraming tubig, sapat para punuin ang kailaliman ng dagat.
Pinangunahan din ni Kristo ang mga Israelita sa ilang sa loob ng 40 taon sa panahon ng Lumang Tipan. ( 1 Corinto 10:1-4 )
1 Corinto 10:1 Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ating mga ninuno ay napasailalim sa ulap at tumawid silang lahat sa dagat. 2 Lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat, 3 at lahat ay kumain ng parehong espiritwal na pagkain. 4 Lahat ay nakainom ng parehong espirituwal na inumin. Sapagkat sila ay nakainom mula sa parehong espirituwal na bato na sumunod sa kanila, at ang batong ito ay si Cristo.