Heb 1:8-12, Heb 13:8
Sa Lumang Tipan, ipinagtapat ng salmista na ang Diyos ay walang hanggan. ( Awit 102:25-27 )
Awit 102:25 Nang mga sinaunang panahon inilagay mo sa lugar ang daigdig; ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay. 26 Mawawala sila, pero mananatili ka; tatanda silang lahat tulad ng isang damit; tulad ng pananamit, huhubarin mo sila, at maglalaho sila. 27 Pero wala kang pagbabago, at ang mga taon mo ay hindi magwawakas.
Ipinahayag ng manunulat ng Hebreo na si Kristo, ang Anak ng Diyos, ay walang hanggan. ( Heb 1:8-12 )
Heb 1:8 Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan. 9 Minahal mo ang katuwiran at kinasusuklaman ang kawalan ng pagsunod sa batas, kaya ang Diyos, na iyong Diyos ay nagbuhos sa iyo ng langis ng kagalakan nang higit sa iyong mga kasamahan. 10 Noong simula, O Panginoon, inilagay mo ang pundasyon ng mundo. Ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay. 11 Ang mga ito ay mawawala, ngunit ikaw ay magpapatuloy. Silang lahat ay maluluma na parang kasuotan. 12 liligpitin mo sila katulad ng isang balabal, at mapapalitan sila katulad ng isang kasuotan. Ngunit ikaw ay mananatili ikaw at ang iyong mga taon ay hindi titigil.”
Si Kristo Hesus ay siya ring magpakailanman. (Hebreo 13:8)
Hebreo 13:8 Si Jesu- Cristo ay hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakaylan man.