Mc 2:5-7,10-12, Lc 7:46-50
Sa Lumang Tipan, ipinagtapat ni David na pinapagaling ng Diyos ang lahat ng ating sakit at pinatawad ang lahat ng ating mga kasalanan. ( Mga Awit 103:3 )
Mga Awit 103:3 Pinapatawad niya lahat ng inyong mga kasalanan; pinapagaling niya lahat ng inyong mga sakit.
Pinagaling ni Jesus ang paralitiko at ipinahayag na siya ang Kristo na nagpapatawad ng mga kasalanan. ( Marcos 2:5-12 )
Marcos 2:5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lalaking paralisado, “Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 6 Ngunit nangatwiran sa kanilang mga puso ang ilan sa mga eskriba na nakaupo doon, 7 “Paano nakapagsasalita ang taong ito ng ganito? Lumapastangan siya! Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?” 8 At nalaman agad ni Jesus sa kaniyang espiritu kung ano ang kanilang iniisip. Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ito iniisip sa inyong mga puso? 9 Ano ang mas madaling sabihin sa lalaking paralisado, ''Napatawad na ang iyong mga kasalanan' o ang sabihin 'Bumangon ka, kunin ang iyong higaan at lumakad ka'? 10 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa mundo na magpatawad ng mga kasalanan,” sinabi niya sa paralitiko, 11 “Sinasabi ko sa iyo, bumangon ka, kunin ang iyong higaan, at pumunta ka sa iyong bahay.” 12 Bumangon siya at kaagad kinuha ang kaniyang higaan at lumabas siya sa bahay na iyon sa harap ng lahat, kaya't silang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos, at kanilang sinabi, “Kailanman ay hindi pa kami nakakita ng katulad nito.”
Pinatawad ni Jesus ang mga kasalanan ng babaeng nagbuhos ng pabango sa kanyang mga paa, at ipinahayag niya na siya ang Kristo na nagpapatawad ng mga kasalanan. ( Lucas 7:46-50 )
Lucas 7:46 Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo, ngunit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa. 47 Dahil dito, sinasabi ko sa iyo na siya na may maraming kasalanan at pinatawad nang lubos, ay nagmahal din nang lubos. Ngunit siya na pinatawad lamang nang kaunti, ay nagmamahal lamang nang kaunti.” 48 At sinabi niya sa babae, “Napatawad na ang iyong mga kasalanan.” 49 Ang mga magkakasamang nakasandal sa hapag kainan, nagsimulang magsalita sa kanilang mga sarili, “Sino ito na nagpapatawad pa ng mga kasalanan?” 50 At sinabi ni Jesus sa babae, “Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo. Humayo ka nang payapa.”