Heb 1:6, 1 Pt 3:22, Pahayag 5:11-12
Sa Lumang Tipan sinabi ni David sa lahat ng mga anghel na purihin ang Diyos. ( Mga Awit 103:20-22 )
Mga Awit 103:20 Bigyang papuri si Yahweh kayong mga anghel na napakalakas at sumusunod sa kanyang salita, na masunurin sa kanyang mga kautusan. 21 Bigyang papuri si Yahweh lahat ng kanyang hukbo ng mga anghel, kayo ay kanyang mga lingkod na nagsasagawa ng kanyang kalooban. 22 Bigyang papuri si Yahweh lahat ng kanyang mga nilalang, sa lahat ng mga lugar kung saan siya naghahari. Pupurihin ko si Yahweh nang buong buhay ko.
Ang lahat ng mga anghel ay nagpapasakop kay Jesus, ang Kristo. ( 1 Pedro 3:22 )
1 Pedro 3:22 Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos. Nagpunta siya sa langit. Ang mga anghel, mga pamahalaanan, at ang mga kapangyarihan ay dapat magpasakop sa kaniya.
Pagbalik ni Jesus, ang Kristo, sa lupa, pupurihin siya ng lahat ng anghel. (Heb 1:6, Pahayag 5:11-12)
Heb 1:6 Muli, nang isinugo ng Diyos ang panganay sa mundo, sinasabi niya, “ Lahat ng anghel ng Diyos ay kinakailangang sumamba sa kaniya.”
Pahayag 5:11 Pagkatapos nakita ko at narinig ang tunog ng maraming mga anghel sa palibot ng trono, — ang kanilang bilang ay 200, 000, 000 — at ang mga buhay na nilalang at mga nakatatanda. 12 Kanilang sinabi sa malakas na tinig, “Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan.”