Gawa 1:6-7, Mt 28:19-20, Mc 16:15, Lc 24:47, Gawa 1:8

Hindi natin alam kung kailan darating ang katapusan ng mundo. ( Gawa 1:6-7 )

Gawa 1:6 Nang sama-sama silang nagkatipon tinanong nila siya, ''Panginoon, ito na ba ang oras na ibabalik mo ang kaharian sa Israel?'' 7 Sinabi niya sa kanila, ''Hindi na para malaman ninyo ang mga oras o ang mga panahon na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.

Sinabi ni Jesus na ang wakas ay darating pagkatapos na maipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo. ( Mat 24:14 )

Mat 24:14 Itong ebanghelyo ng kaharian ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa. At pagkatapos nito darating na ang katapusan.

Ang ebanghelyo na si Jesus ang Kristo ay ipangangaral sa buong mundo. At darating ang wakas. (Mt 28:19-20, Mc 16:15, Lc 24:47, Gawa 1:8)

Mt 28:19 Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. 20 Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.”

Marcos 16:15 Sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha.

Lucas 24:47 At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.

Gawa 1:8 Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''