Jn 10:25-28, Pahayag 21:27, Pahayag 20:15
Si Jesus ay darating sa mundong ito bilang Hukom. At binibigyan Niya ng walang hanggang kaparusahan ang mga hindi naniniwala na si Jesus ang Kristo, at ang buhay na walang hanggan sa mga naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo. (Mt 25:31-33, Jn 10:25-28, Pahayag 21:27, Pahayag 20:15)
Mat 25:31 Pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian at kasama ang lahat ng kaniyang mga anghel, uupo siya sa kaniyang marangal na trono. 32 Sa harap niya magtitipon ang lahat ng mga bansa, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa't isa, katulad ng pastol na hinihiwalay ang tupa at kambing. 33 Ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
Jn 10:25 Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabihan ko kayo, ngunit hindi kayo naniwala. Ang mga gawain na aking ginawa sa ngalan ng aking Ama, ang mga ito ang magpapatotoo patungkol sa akin. 26 Gayunman hindi kayo naniwala dahil hindi ko kayo mga tupa. 27 Naririnig ng aking tupa ang aking boses; kilala ko sila, at sila ay sumusunod sa akin. 28 Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay.
Pahayag 21:27 at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.
Pahayag 20:15 Kung kaninong pangalan ang hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, siya ay itatapon sa lawa ng apoy.