Mc 16:19, Rom 8:34, 1 Cor 15:25, Eph 1:20, Col 3:1, Heb 1:3,13, Heb 8:1, Heb 10:12-13
Sa Lumang Tipan nakita ni David ang Diyos na inilagay si Kristo sa kanyang kanang kamay upang pamunuan ang mundo. (Awit 110:1)
Awit 110:1 Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”
Si Jesus ay umakyat sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos at naghahari hanggang sa ilagay niya ang lahat ng mga kaaway sa ilalim ng kanyang mga paa. (Marcos 16:19, Roma 8:34, Efeso 1:20, Col 3:1, Heb 1:3,13, Heb 8:1, Heb 10:12, 1 Corinto 15:25)
Marcos 16:19 Matapos magsalita sa kanila ang Panginoon, iniakyat siya patungo sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos.
Roma 8:34 Sino ang hahatol? Si Cristo na siyang namatay para sa atin at higit pa roon, binuhay din siyang muli. Naghahari siya kasama ang Diyos sa lugar ng karangalan at siya ang namamagitan para sa atin.
Efeso 1:20 Ito ang kapangyarihan na kumilos kay Cristo noong siya ay binuhay ng Diyos mula sa mga patay at pinaupo siya sa kaniyang kanang kamay sa kalangitan.
Col 3:1 Kung itinaas kayo ng Diyos na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan nakaupo si Cristo sa kanang kamay ng Diyos.
Heb 1:3 Ang kaniyang Anak ang ningning ng kaniyang kaluwalhatian, ang totoong katangian ng kaniyang diwa, at pinapanatili niya ang lahat sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang nakamit ang paglilinis ng mga kasalanan, umupo siya sa kanang kamay ng kataas-taasang kamahalan.
13 Ngunit wala isa man sa mga anghel ang kaniyang pinagsabihan ng nito kahit kailan, “Maupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa”?
Heb 8:1 Ngayon, ito ang paksa ng aming sinasabi, mayroon tayong isang pinaka-punong pari na nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Kamahalan sa kalangitan.
Heb 10:12 Ngunit pagkatapos na ialay ni Cristo ang isang handog para sa kasalanan magpakailanman, umupo siya sa kanang kamay ng Diyos,
1 Corinto 15:25 Sapagkat dapat na Siya ay maghari hanggang maipasakop ang lahat ng mga kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa.