Gen 3:15, 1 Jn 3:8, Rom 16:20, Col 2:13-15, Heb 2:14-17

Sa Lumang Tipan nakita ni David si Kristo na yumuyurak sa mga kaaway ni Kristo. (Awit 110:1)

Awit 110:1 Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”

Sa Lumang Tipan, inihula na si Kristo, ang inapo ng babae, ay dudurog sa ulo ni Satanas. ( Genesis 3:15 )

Genesis 3:15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”

Si Hesus ang Kristo na sumira sa mga gawa ng diyablo sa krus. ( 1 Juan 3:8, Col 2:13-15 )

Sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus, pinalaya tayo ni Hesus mula sa pagkakahawak ni Satanas. ( Heb 2:14-17 )

Heb 2:14 Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo. 15 Ito ay upang mapalaya niya ang lahat na sa pamamagitan ng pagkatakot sa kamatayan ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila. 16 Sapagkat tunay nga na hindi ang mga anghel ang tinutulungan niya. Sa halip, tinutulungan niya ang mga kaapu-apuhan ni Abraham. 17 Kaya kinakailangan niyang maging katulad ng kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan, upang siya ay maging maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay para sa Diyos, at upang maaari niyang makamit ang kapatawaran para sa kasalanan ng mga tao.

Malapit nang durugin ng Diyos si Satanas sa ilalim ng ating mga paa. (Roma 16:20)

Roma 16:20 Hindi magtatagal, ang Diyos ng kapayapaan ay dudurugin si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa. Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.