buhayin tayong muli kasama ni Hesus. ( Aw 116:10 )
2 Cor 4:8-14
Sa Lumang Tipan, nagpasalamat ang salmista sa Diyos sa pagliligtas sa kanya mula sa kamatayan. ( Awit 116:8-10 )
Awit 116:8 Dahil iniligtas mo ang buhay ko mula sa kamatayan, at ang mata ko mula sa mga luha, at ang mga paa ko mula sa pagkatisod. 9 Maglilingkod ako kay Yahweh sa lupain ng mga buhay. 10 Naniwala ako sa kaniya, kahit sinabi kong “Lubha akong nahirapan.
Sinabi ni Pablo na kahit na tayo ay nagdurusa sa lahat ng paraan, hindi tayo nasisiraan ng loob dahil ang Diyos na bumuhay sa Panginoong Jesus ay bubuhayin tayong kasama ni Hesus. ( 2 Corinto 4:8-14 )
2 Corinto 4:8 Nagdurusa kami sa lahat ng bagay, ngunit hindi nagapi. Naguguluhan, ngunit hindi kami nawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami ngunit hindi pinabayaan. Hinahampas kami ngunit hindi nasira. 10 Palagi naming dinadala sa aming mga katawan ang kamatayan ni Jesus, nang sa gayon ang buhay ni Jesus ay maihayag din sa aming mga katawan. 11 Kaming mga nabubuhay ay laging nahaharap sa kamatayan alang-alang kay Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay maihayag sa aming mga katawang tao. 12 Sa kadahilanang ito, ang kamatayan ay kumikilos sa amin, ngunit ang buhay ay kumikilos sa inyo. 13 Ngunit mayroon tayong parehong espiritu ng pananampalataya na ayon sa nasusulat: “Nanampalataya ako, kaya ako ay nagpahayag.” Tayo rin ay nananampalataya, kaya't tayo rin ay nagpapahayag. 14 Alam namin na ang muling bumuhay sa Panginoong Jesus ay bubuhayin din kaming muli kasama niya. Alam namin na dadalhin niya kami kasama ninyo sa kaniyang presensya.