Mga Gawa 13:46-48, Gal 3:14, Rom 15:8-12
Sa Lumang Tipan, sinabi ng salmista sa lahat ng bansa na purihin ang Diyos. (Awit 117:1)
Awit 117:1 Purihin si Yahweh, lahat ng bansa; siya ay parangalan, lahat ng mga tao.
Ang mga Gentil ay naniwala kay Jesus bilang ang Kristo at naligtas at naparito upang purihin ang Diyos. (Mga Gawa 13:46-48, Gal 3:14, Roma 15:8-12)
Mga Gawa 13:46 Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, “Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil. 47 Sapagkat iniutos sa amin ng Panginoon, na nagsasabi, 'Inilagay ko kayo bilang ilaw sa mga Gentil upang kayo ay magdala ng kaligtasan sa mga pinakadulong bahagi ng mundo.”' 48 Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan.
Gal 3:14 Ang layunin ay upang ang pagpapala na nakay Abraham ay dumating sa mga Gentil dahil kay Cristo Jesus, upang sa ganoon ay matanggap natin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
Roma 15:8 Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay ginawang lingkod ng pagtutuli sa ngalan ng katotohanan ng Diyos. Ginawa niya ito upang patotohanan niya ang mga pangakong ibinigay sa mga ninuno, 9 at para sa mga Gentil upang papurihan nila ang Diyos sa kaniyang awa. Ito ay gaya ng nasusulat, “Kaya pupurihin kita kasama ng mga Gentil, at aawit ng papuri sa pangalan mo.” 10 Muling nitong sinasabi, “Magalak kayo, kayong mga Gentil, kasama ang kaniyang mga tao.” 11 At muli, “Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga Gentil at hayaan ninyong ang lahat na mga tao ay purihin siya.” 12 Sinasabi rin ni Isaias, “Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya.”