Mt 21:9-11, Mc 11:7-10, Jn 12:12-16, Lc 19:35-38

Sa Lumang Tipan sinabi ng salmista na mapalad ang dumarating sa pangalan ng Diyos at pinagpapala natin siya. ( Mga Awit 118:26 )

Mga Awit 118:26 Pagpapalain siyang dumarating sa pangalan ni Yahweh; pinagpapala ka namin mula sa tahanan ni Yahweh.

Si Jesus ay ang Kristo, ang anak ni David na dumating sa pangalan ng Diyos na ipinropesiya sa Lumang Tipan. Binasbasan ng mga Israelita si Jesus bilang Anak ni David, na dumating sa pangalan ng Diyos. (Mateo 21:9-11, Marcos 11:7-10, Juan 12:12-16, Lucas 19:35-38)

Mateo 21:9 Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, “Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!” 10 Nang makarating si Jesus sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nagkagulo at nagsabi, “Sino ba ito?” 11 Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”

Marcos 11:7 Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya. 8 Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. 9 Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, “Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 10 Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”

Juan 12:12 Nang sumunod na araw, napakaraming tao ang dumating para sa kapistahan. Nang kanilang marinig na si Jesus ay darating sa Jerusalem, 13 kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: “Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!” 14 Nakita ni Jesus ang isang asno, at umupo siya rito, gaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.” 16 Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.

Lucas 19:35 Dinala nila ito kay Jesus, at inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro at pinasakay si Jesus. 36 Habang siya ay nagpapatuloy, inilatag nila ang kanilang mga kasuotan sa daan. 37 Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita, 38 na sinasabi, “Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataastaasan!”