Isa 40:8, Mat 24:34-35, 1 Pt 1:25

Sinasabi ng Lumang Tipan na ang Salita ng Diyos ay walang hanggan. (Awit 119:89, Isaias 40:8)

Awit 119:89 Mananatili ang salita mo, Yahweh, magpakailanman; matatag ang salita mo sa kalangitan.

Isaias 40:8 Ang damo ay natutuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”

Sinabi ni Jesus na ang kanyang mga salita ay walang hanggan. (Mateo 24:34-35, Marcos 13:31, Lucas 21:33)

Mateo 24:34 Totoo itong sinasabi ko sa inyo, ang salinlahing ito ay hindi lilipas hanggang mangyari ang lahat ng ito. 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.

Marcos 13:31 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas.

Lucas 21:33 Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Ipinagtapat ni Pedro na ang mga salita ni Jesus ay ang walang hanggang mga salita ng Diyos na ipinropesiya sa Lumang Tipan. ( 1 Pedro 1:24-25 )

1 Pedro 1:24 Sapagkat “Ang lahat ng laman ay tulad ng damo, at ang lahat ng kagandahan nito ay tulad ng bulakalak. Ang damo ay malalanta, at ang bulaklak ay malalaglag, 25 pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” Ito ang mensahe na ipinahayag bilang ebanghelyo sa inyo.