Mat 27:17,22
Si Hesus ay hinatulan ng kamatayan dahil Siya ay nag-angkin na Siya ang Kristo, ang Anak ng Diyos. ( Mat 26:62-66 )
Mat 26:62 Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi sa kaniya, “Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinapatotoo nila laban sa iyo? 63 Ngunit si Jesus ay tahimik lamang. Sinabi ng pinakapunong pari sa kaniya, “Inuutusan kita alang-alang sa Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ba si Cristo, ang Anak ng Diyos. 64 Si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Ikaw na mismo ang nagsabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo, magmula ngayon ay inyo nang makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa mga ulap ng langit.” 65 At pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga damit at nagsabi, “Siya ay nagsalita ng kalapastangan! Bakit kailangan pa natin ang mga saksi? Ngayon inyo nang narinig ang kalapastangan. 66 Ano sa tingin ninyo?” Sumagot sila at nagsabi, “Siya'y karapatdapat na mamatay.”
Sa kalaunan ay pinatay ng mga Israelita ang Kristo na kanilang hinihintay. ( Mat 27:17, 22 )
Mat 27:17 At nang sila ay nagkatipun-tipon, sinabi sa kanila ni Pilato, “Sino ang gusto ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?”
22 At sinabi ni Pilato sa kanila, “Ano ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Sumagot silang lahat, “Ipako siya sa krus.”