Lk 24:25-27, 1 Cor 15:4, Aw 16:10, Gawa 2:31, Gawa 13:34-37

Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya ng muling pagkabuhay ni Kristo. ( Aw 16:10, Lc 24:25-27 )

Aw 16:10 Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay.

Lucas 24:25 Sinabi ni Jesus sa kanila, “O mga lalaking hangal at makukupad ang puso na maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta! 26 Hindi ba kinakailangang si Cristo ay magdusa ng ganitong mga bagay, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?” 27 At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.

Si Hesus ay muling nabuhay ayon sa Bibliya. (Mt 28:5-6,9, 1 Cor 15:4)

Mt 28:5 Kinausap ng anghel ang mga babae at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, dahil alam kong hinanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala na siya dito, ngunit bumangon na katulad ng kaniyang sinabi. Halikayo tingnan ang lugar na hinimlayan ng Panginoon.
9 Masdan ito, sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Binabati ko kayo.” At lumapit ang mga babae, hinawakan ang kaniyang mga paa at sinamba siya.

1 Cor 15:4 na siya ay inilibing, at siya ay nabuhay noong ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.

Pinagtibay pa Siya ng Diyos bilang ang Kristo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay kay Hesus. ( Gawa 2:31-36 )

Gawa 2:31 Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' 32 Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat. 33 Kaya naman pinarangalan siya sa kanang kamay ng Diyos at tinanggap ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig. 34 Sapagkat si David ay hindi pumaitaas sa langit, ngunit sinabi niya, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay, 35 hanggang sa gawin kong maging tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.” 36 Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus.”