Gawa 2:4-12
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na sa mga huling araw ang bundok na may templo ng Diyos ay tatayo sa tuktok ng bawat bundok, at lahat ng mga bansa ay magtitipon doon. ( Isa 2:2 )
Isa 2:2 Sa mga huling araw, ang bundok ng tahanan ni Yahweh ay itataguyod bilang pinakamataas sa mga bundok, at itataas sa tuktok ng mga burol; at dadaloy ang lahat ng bansa mula dito.
Nang ang mga Judio mula sa iba't ibang panig ng mundo ay nagtitipon sa Jerusalem, narinig nila na si Jesus ang Cristo. ( Gawa 2:4-12 )
Gawa 2:4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin. 5 Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit. 6 Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika. 7 Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea? 8 Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan? 9 Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya, 10 sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma, 11 Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.” 12 Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?”