Lc 24:47, Gawa 1:8
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na maraming tao ang makakarinig ng salita ng Diyos na ipinahayag sa Jerusalem. ( Isa 2:3 )
Isa 2:3 Maraming tao ang pupunta at magsasabing, “Halika, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob para turuan niya tayo ng kaniyang mga pamamaraan at sa gayon lumakad tayo sa kaniyang landas.” Dahil sa Sion magmumula ang batas, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
Ang ebanghelyo na si Hesus ang Kristo ay ipangangaral sa lahat ng mga bansa, magsisimula sa Jerusalem. ( Lucas 24:47, Gawa 1:8 )
Lucas 24:47 At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.
Gawa 1:8 Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''