Heb 2:13-16
Sa Lumang Tipan, alam ni Isaias na ibabalik ng Diyos ang bansang Israel sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga anak. ( Isa 8:17-18 )
Isa 8:17 Maghihintay ako kay Yahweh, siya na itinatago ang kaniyang mukha mula sa bahay ni Jacob; maghihintay ako sa kaniya. 18 Tingnan, ako at ang mga anak na lalaki na binigay sa akin ni Yahweh ang magsisilbing tanda at himala sa Israel mula kay Yahweh ng mga Hukbo, na nananahan sa Bundok ng Sion.
Namatay si Hesus sa krus para iligtas tayo, na mga alipin ni Satanas, at gawin tayong mga anak. ( Heb 2:13-16 )
Heb 2:13 At sinasabi niyang muli, “Magtitiwala ako sa kaniya.” At muli, “Masdan ninyo, heto ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.” 14 Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo. 15 Ito ay upang mapalaya niya ang lahat na sa pamamagitan ng pagkatakot sa kamatayan ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila. 16 Sapagkat tunay nga na hindi ang mga anghel ang tinutulungan niya. Sa halip, tinutulungan niya ang mga kaapu-apuhan ni Abraham.
Tayo ay pinalaya mula sa batas ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. (Roma 8:2)
Roma 8:2 Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan.