Mt 4:12-16, Lc 2:28-32, Jn 2:11, Lc 4:14-15

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na ang liwanag ng kaligtasan ay magniningning maging sa mga Gentil sa hinaharap. ( Isa 9:1-2 )

Isa 9:1 Mapapawi ang lungkot ng siyang nasa pagdadalamhati. Sa nakaraang panahon, pinahiya niya ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali, pero sa darating na panahon ay gagawin niya itong maluwalhati, ang landas tungo sa dagat, ang malayong dako mula sa Jordan, ang Galilea ng mga bansa. 2 Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.

Gaya ng ipinropesiya sa Lumang Tipan, ipinangaral ni Jesus ang ebanghelyo sa Galilea, isang rehiyon ng Gentil. (Mateo 4:12-16, Juan 2:11, Lucas 4:14)

Mateo 4:12 Ngayon, nang marinig ni Jesus na nadakip si Juan, umalis siya patungong Galilea. 13 Umalis siya sa Nazaret at nagpunta at nanirahan sa Capernaum, na nasa Dagat ng Galilea, sa mga teritoryo ng Zebulun at Neftali. 14 Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias, 15 “Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil! 16 Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag at sumikat ang liwanag sa mga taong nakaupo sa rehiyon at anino ng kamatayan. “

Juan 2:11 Ang himalang ito sa Cana ng Galilea ay ang simula ng mga mahimalang tanda na ginawa ni Jesus, ipinapahayag ang kaniyang kaluwalhatian, kaya ang mga alagad ay nananampalataya sa kaniya.

Lucas 4:14 Pagkatapos, bumalik si Jesus sa Galilea as kapangyarihan ng Espiritu, at kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa buong paligid ng rehiyon.

Hinawakan ni Simeon ang sanggol na si Hesus at ipinagtapat na si Hesus ang liwanag na nagbibigay liwanag sa mga Hentil. ( Lucas 2:28-32 )

Lucas 2:28 tinanggap siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig, at nagpuri sa Diyos at sinabi, 29 “Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod nang may kapayapaan, Panginoon, ayon sa iyong salita. 30 Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas 31 na iyong inihanda sa paningin ng lahat ng tao. 32 Siya ay liwanag para sa paghahayag sa mga Gentil at kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel.”