Pahayag 21:26-27
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na ang mga tinubos lamang ang makakapasok sa banal na daan. ( Isa 35:8-10 )
Isa 35:8 Isang malawak na daanan ang naroroon at tinawag iyon na Ang Banal na Daan. Hindi makapaglalakbay dito ang marumi. Pero ito ay magiging sa kaniya na maglalakad dito. Walang hangal ang makapupunta dito. 9 Hindi magkakaroon ng leon at mabangis na hayop doon; hindi sila matatagpuan doon, pero ang tinubos ay lalakad doon. 10 Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Tanging ang mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero, iyon ay, ang mga naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo, ang papasok sa santuwaryo. ( Pahayag 21:26-27 )
Pahayag 21:26 Dadalhin nila ang karangyaan at ang karangalan ng mga bansa dito, 27 at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.