Lc 3:3-6, Mt 3:1-3, Mc 1:1-4, Lc 1:76-77, Jn 1:22-23

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na ang tinig ng isang umiiyak na tao ay maghahanda ng daan para sa Diyos. ( Isa 40:3-5 )

Isa 40:3 May isang tinig na sumisigaw, “ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; sa Araba, lumikha ng tuwid na daanan para sa ating Diyos.” 4 Ang bawat lambak ay itataas, at bawat bundok at burol ay papatagin; at ang baku-bakong lupa ay gagawing patag, at papantayin ang mabatong mga lugar; 5 at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay maihahayag, at magkakasama itong makikita ng lahat; dahil ang bibig ni Yahweh ang nagsabi nito.

Si Juan Bautista ay tinig ng isang sumisigaw na naghanda ng daan para kay Kristo, gaya ng ipinropesiya ni Isaias sa Lumang Tipan. (Lucas 3:3-6, Mateo 3:1-3, Marcos 1:1-4, Lucas 1:76-77, Juan 1:22-23)

Lucas 3:3 Siya ay naglakbay sa buong rehiyon sa palibot ng ilog Jordan, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan. 4 Gaya ito ng nasusulat sa libro ng mga salita ni propeta Isaias, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gawing tuwid ang kaniyang landas. 5 Ang bawat lambak ay mapupunan, ang bawat bundok at burol ay gagawing patag, ang mga likong daan ay magiging tuwid, at ang mga daang baku-bako ay gagawing maayos. 6 Ang lahat ng tao ay makikita ang pagliligtas ng Diyos.”

Mateo 3:1 Sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral sa ilang ng Judea at nagsasabi, 2 “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.” 3 Sapagkat siya ang binanggit ni propeta Isaias na nagsasabi, “Isang tinig ang sumisigaw mula sa ilang, 'Ihanda ang daan ng Panginoon, gawing matuwid ang kaniyang landas.'”

Marcos 1:1 Ito ang simula ng ebanghelyo tungkol kay Jesu-Cristo, na Anak ng Diyos. 2 Katulad ng nasusulat sa aklat ni Isaias na propeta, “Tingnan mo, ipapadala ko ang aking taga-pamalita na mauuna sa iyo, ang maghahanda ng iyong daan. 3 Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Ituwid ang kaniyang daraanan.'” 4 Dumating si Juan na nagbabautismo sa ilang at nangangaral tungkol sa bautismo ng pagsisisi alang-alang sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Lucas 1:76 Oo, at ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan, sapagkat ikaw ay mauuna sa Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daraanan, upang ihanda ang mga tao sa kaniyang pagdating, 77 upang magbigay kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Juan 1:22 Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, “Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” 23 Sinabi niya, “Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta.”