1 Pt 1:24-25, Mt 24:35, Lc 21:33
Sa Lumang Tipan, sinabi ni Isaias na ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman. ( Isa 40:6-8 )
Isa 40:6 Sinabi ng tinig, “umiyak”. Sumagot ang isa “Ano ang dapat kong iiyak?” “Ang lahat ng laman ay damo, at lahat ng kanilang katapatan sa tipan ay tulad ng bulaklak sa bukid. 7 Ang damo ay natutuyot at ang bulaklak ay nalalanta kapag ang hininga ni Yahweh ay umihip dito; totoo ang sangkatauhan ay damo. 8 Ang damo ay natutuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”
Nilinaw ni Jesus na ang kanyang mga salita ay walang hanggan. ( Mateo 24:35, Lucas 21:33 )
Mateo 24:35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.
Lucas 21:33 Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas.
Sa Lumang Tipan, ang walang hanggang Salita ng Diyos na binanggit ni Isaias ay ang ebanghelyong ito, ibig sabihin, si Hesus ang Kristo. ( 1 Pedro 1:24-25 )
1 Pedro 1:24 Sapagkat “Ang lahat ng laman ay tulad ng damo, at ang lahat ng kagandahan nito ay tulad ng bulakalak. Ang damo ay malalanta, at ang bulaklak ay malalaglag, 25 pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” Ito ang mensahe na ipinahayag bilang ebanghelyo sa inyo.