Jn 6:45-47, Jn 14:26, 1 Cor 2:10, Eph 4:21, 1 Jn 2:20,27
Sa Lumang Tipan, ipinropesiya ni Isaias na ang mga anak ng Diyos ay tatanggap ng tagubilin ng Diyos. ( Isa 54:13 )
Isa 54:13 At tuturuan ni Yahweh ang lahat ng inyong mga anak; at ang kapayapaan ng inyong mga anak ay magiging dakila.
Sinabi ni Jesus na ang lahat ng mga anak ng Diyos ay lalapit sa kanya at tuturuan. (Juan 6:45-47)
Juan 6:45 Ito ay nasusulat sa mga propeta, “Silang lahat ay tuturuan ng Diyos.' Bawat isang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lalapit sa akin. 46 Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama. 47 Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan.
Ang Banal na Espiritu, na ipapadala ng Diyos sa pangalan ni Jesus, ay nagpapakilala sa atin na si Jesus ang Kristo. (Juan 14:26, 1 Corinto 2:10, Efeso 4:21, 1 Juan 2:20, 27)
Juan 14:26 Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
1 Corinto 2:10 Ito ang mga bagay na inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat sinasaliksik ng Espiritu ang lahat, kahit ang mga lihim ng Diyos.
Efeso 4:21 Iniisip kong narinig na ninyo ang patungkol sa kaniya. Iniisip kong naturuan na kayo patungkol sa kaniya, dahil na kay Jesus ang katotohanan.
1 Juan 2:20 Pero kayo ay may basbas mula sa Kabanal-banalan, at alam ninyong lahat ang katotohanan.
27 At para sa inyo, ang basbas na natanggap ninyo mula sa kanya ay nanatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang turuan kayo. Pero habang ang kanyang pagbabasbas ay nagtuturo sa inyo ng tungkol sa lahat ng bagay, at totoo at hindi isang kasinungalingan, at kahit na ito ay nagturo sa inyo, manatili kayo sa kanya.